Sunday, November 27, 2011

Modern Technologies vs. Old School

 Ngayon o ang Nakaraan?


       Isang malaking bansa ang Pilipinas. Mahigit 1 milyong tao ang nakatira dito. Hindi natin maiiwasan ang pagasenso. Maraming teknolohiya ang biglaang sumisikat. Hindi naman maiwasan ng mga tao ang pagbili sa mga gadyet. Halos lahat ng tao ngayon ay nawwiwili na sa paggamit ng teknolohiya. Ano ba ang ating nakaligtaan ?


       Nagising na lang ako nung bata ako. Tinawag ako ng kalaro ko at sinabing "Hoy, tara laro tayo". Yun ang pinakamasayang pangungusap na narinig ko nung bata pa ako. Masaya kaming naglalaro, simula sa umaga hanggang maghapon. Ano nga ba ang mga larong pangbata dati?
  • Tumbang Preso
  • Piko
  • Tagu-Taguan
  • Chinese Garter
  • Ten - Twenty
  • Text
  • Jackstone
  • Luksong Baka
  • Luksong Tinik
  • Agawan Base (Sekyu o Prisoner)
  • Bahay-bahayan 
  • Lutu-lutuan
  • At marami pang iba.


        Bigla akong nagising sa katotohanan. Hindi na ako bata. Isa na akong ganap na tineydyer. Bumangon ako at nakakita ng telebisyon, cellphone, kompyuter at marami pang ibang teknolohiya. Nasaan na ang saya? Ano ang nagyari sa dating mga laro? Ano na nga ba ang kinagigiliwan ng mga bata ngayon?
  • D.O.T.A.
  • CrossFire
  • FaceBook
  • Twitter
  • Tumblr
  • Angry Birds
  • Plants VS. Zombies
  • Marami pang iba
     Nasaan ba ang saya sa mga larong iyan? Andami na nilang nakakaligdaan. Ayon sa mga pagsusuri, napagalaman na marami sa mga kabataan ngayon ay nahuhumaling na sa kompyuter games. Siguro ay hindi lamang natin naiisip ang pakiramdam ng mga kabataang ito habang naglalaro, ngunit nakikita na natin ang epekto nito. Hindi ko sinasabi na masama ang paglalaro sa kompyuter, ang masama ay ang sobang paglalaro. Isipin natin mga kapatid, sa mundong ating ginagalawan, wala ka ng takas sa tukso, ang udyok ng moderno.

       May dalawa lang namang daan ang pagpipilian. Ito ay kung Nagyon o Dati. Mas pipiliin mo bang mabuhay sa kasiyahan o mabuhay sa tukso. Ikaw? Ngayon ba o Dati?